web analytics
Advertisements
Tue. Oct 15th, 2019

ItsJM Life

Live simple and stay happy.

Mga Pagbasa ngayong Hulyo 31, 2019 (Paggunita kay San Ignacio ng Loyola/Miyerkules ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon)

2 min read

UNANG PAGBASA
Exodo 34, 29-35

Pagbasa (Pagpapahayag) mula sa aklat ng Exodo

Mula sa Bundok ng Sinai, bumaba sa Moises na dala ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos. Hindi niya namamalayan na dahil sa pakikipag-usap niya sa Panginoon ay nagniningning pala ang kanyang mukha. Nang makita ito ni Aaron at ng mga Israelita, natakot silang lumapit. Kaya tinawag sila ni Moises. Lumapit naman si Aaron at ang mga lider sa Israel at sila’y nag-usap. Pagkaraan noon, lumapit sakanila ang lahat ng Israelita at sinabi sa kanila ni Moises ang mga utos na ibinigay sa kanya ng Panginoon nang sila’y mag-usap sa Bundok ng Sinai. Pagkasabi nito, tinakpan niyan ang kanyang mukha. Tuwing papasok si Moises sa tabernakulo upang makipag-usap sa Panginoon, inaalis niya ang takip ng kanyang mukha. Paglabas, sinasabi niya sa mga tao kung ano ang iniuutos ng Panginoon, at makikita na naman nila na nagniningning ang kanyang mukha. Sa gayun, tatakpan niya uli ito hanggang sa mula niyang pakikipag-usap sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 98, 5. 6. 7. 9

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon na ating Diyos ay lubos na papurihan;
sa harap ng trono niya’y sambahin ang ngalang Banal!

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Si Moises at Aaron, mga saserdote niya;
at si Samuel nama’y lingkod na sa kanya ay sumamba;
nang ang Poo’y dalanginan, dininig naman sila.

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon ay nagsalita sa gitna ng mga ulap;
Sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Ang Diyos nating Panginoon, dapat nating papurihan,
sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan!
Siya’y ating Panginoon, siya’y ating Diyos na banal!

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

ALELUYA
Juan 15, 15b

Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tanan
na mula sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 44-46

Ang (Pagpapahayag ng) Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

“Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.