web analytics
Advertisements
Sat. Sep 21st, 2019

ItsJM Life

Live simple and stay happy.

Mga Pagbasa ngayong Hulyo 10, 2019 (Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon)

3 min read

UNANG PAGBASA
Genesis 41, 55-57; 42, 5-7a. 17-24a

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, nang wala nang makain ang mamamayan, ang mga taga-Egipto ay dumaing sa Faraon. Sinabi niya sa mga taga-Egipto, “Magpunta kayo kay Jose, at sundin ninyo ang kanyang sasabihin.” Lumaganap ang taggutom sa buong bansa. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig, at pinagbilhan ng trigo ang mga taga-Egipto. Palubha nang palubha ang taggutom sa buong Egipto. Lumaganap din ito sa ibang mga bansa, kaya’t ang mga mamamayan nila’y pumunta sa Egipto upang bumili ng pagkain kay Jose.

At lumakad ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto upang bumili ng pagkain. Laganap na ang taggutom sa buong Canaan. Si Jose, bilang gobernador ng Egipto, ang nagbibili ng pagkian sa mga tao. Kaya sa kanya pumunta ang kanyang mga kapatid. Paglapit ng mga ito, sila’y yumukod sa kanyang harapan. Nakilala agad ni Jose ang mga kapatid niya, ngunit hindi siya nagpahalata.

Taltong araw niyang ikinulong ang kanyang mga kapatid.

Pagsapit ng ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Ako’y may takot sa Diyos; bibigyan ko kayo ng pagkakataong mabuhay kung gagawin ninyo ito: Ang sabi ninyo’y tapat kayo, hindi ba? Kung gayun, isa lamang sa inyo ang ibibilanggo; ang iba’y magdala na ng pagkaing binili ninyo para sa ainyong sambahayan. Ngunit bumalik kayo agad na dala ang bunso ninyo kapatid. Dito ko malalaman na kayo’y nagsasabi ng totoo, at hindi kayo maaano.” Sumang-ayon ang lahat.

Pagkatapos, ang wika nila sa isa’t isa, “Nagbabayad na tayo ngayon sa ginawa natin sa ating kapatid. Nakikita natin ang paghihirap ng kanyang kalooban noon ngunit hindi natin pinansin ang kanyang pagmamakaawa. Kaya tayo naman ngayon ang nasa kagipitan.”

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko,” wika ni Ruben. “Nagsusumamo ako sa inyong huwag saktan ang bata, ngunit hindi kayo nakinig; ngayon, pinagbabayad tayo sa kanyang kamatayan.” Hindi nila alam na nauunawaan ni Jose ang kanilang usapan, sapagkat gumagamit pa ito ng interprete kung humaharap sa kanila. Iniwan muna sila ni Jose dahil sa hindi niya mapigil ang pag-iyak.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 2-3. 10-11. 18-19

Tugon: Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.
Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!

Tugon: Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang binabalangkas ninyong mga bansa,
kanyang nababago’t winawalang-bisa.
Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.

Tugon: Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila’y binunbuhay.

Tugon: Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinapahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 1-7

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, tinopon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si simong makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Hesus.

Ang labindalawang ito’y sinugo ni Hesus at kanyang pinagbilinan: “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupad ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Diyos.

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.